Friday, December 24, 2010

Videoke-monsters: Hindi marunong kumanta, pero magaling mang-istorbo

This is the sole inspiration for this whole blog!
Parang sakit na ata ito ng karamihan sa mga Pinoy! Simula ng maimbento at madiskubre ang karaoke/videoke, ay hindi na tayo bumitaw sa mic.

Sobrang daming mga tao ang hindi naman marunong kumanta pero nagpupumilit na gumawa ng sarili nilang concert. Unfortunately, para sa mga matitinong tao: ang concert na ito ay ginaganap kung kelan kelangan nila ng tulog.

Heto ang typical concert announcements..

Title: "Walang tulugan: Kakanta ako, Wala Kayong Magagawa"
Artists: Mga taong walang magawa kundi mag-ingay
Special talent: kawalan ng skills kumanta
Venue: Sa tapat or sa tabi ng bahay nyo
Time: 6PM hanggang umaga
Special Guests: Cheering squad na may problema sa pandinig
Ticket Prices: libre lang, at walang choice ang mga tao kundi mabulabog

PWEDE BA PEOPLE: Magbago na kayo!
Subukang tanggapin sa sarili na hindi ka naman talaga magaling kumanta at walang ibang may gustong makarinig ng boses mo.
At kahit kasing galing mo si Sarah G. sa pag-kanta, hindi rin gusto ng mga kapitbahay marinig ang boses mo ng madaling araw.
Please lang, matutong mag-patulog.
Kung hindi talaga kayang pigilan ang makating lalamunan.. paki-hinaan lang talaga kahit konti.

Hay, kung pwede lang sana: mag-earphones na lang kayo ng mga kabarkada mo. Saksak mo diretso sa Videoke. Kahit mag-adik adik pa kayo nyan buong buhay nyo (or until mabingi kayo). Pwedeng-pwede. hehe